malamig at matigas na semento ang sa likod ko'y nakasandal.. halik ng hamog sa mga dahon ay nanaghoy.. tahimik na libingan aking kanlungan.. sa dilim ng paligid hatid ay katahimikan.. maligayang pagdating sa aking himlayan..
7.16.2005
hintayan
tilamsik ng diwa sa bawat minuto na lumipas sa bawat ulang tumila di mo na makikita
pag-inog ng mga kulay matamlay na kalawakan kulay dugong langit halik ng dapit hapon
aandap andap na liwanag mula sa kandilang lumuluha lampas na ang ihip ng hangin ika'y iniintay pa rin
0 Comments:
Post a Comment
<< Home