10.26.2008

shooting star

my back touched the cold earth
i can feel every breath i take
looking at the same dark sky
waiting for something to pass by

a tear dropped from heaven
i wished deeply it was you
it was gone before it touched the ground
sweet little you scarred my view

does he know that i waited so long
does he know that i wished for you
will you stay for a moment
or just like a shooting star, passing by

funny how such a small thing
could make my world crumble into pieces
ironic that when i got you heremeans
i'll never have you

and now i go to sleep
drift away into my dreams and nightmares
hoping when time comes i open my eyes
you will be there and care

does he know that i waited so long
does he know that i wished for you
will you stay forever
or just like a pretty face,
passing by

2.01.2006

alabok

lilipas din lahat
sa dulo ay wala ring saysay
lahat ng hawak mo ay walang silbi
sa isang iglap ay wala na

bulag sa kamunduhan
manhid sa poot
nasayang na oras
sa huli ay wala nang pagsisisi

pilit limutin ang lahat
nasadlak na sa kabulukan
wala nang iintayin
lunod na sa alaala

ako ay abo na lamang
ng kahapong nasunog na
inanod ng luha
sa putik tayo ay magkakasama

gunita

matagal kong pinagmasdan ang usok ng aking sigarilyo
di ko na maalala kung ilang beses na ako bumuga
o humithit sa maliit na upos na aking tangan
di ko na din makita ang titis
na kanina lamang ay nasa dulo lamang nito

dati ay parang nasusuka ako
sa bawat hagod ng usok sa aking lalamunan
halos di ako makaubos ng isa
ngunit tuloy pa din ako kahit patago

ngyon ay parang kulang ang isang piraso
hinahabol ko ang init sa aking dibdib
ang hilo sa aking utak
ang nikotin sa aking katawan

noon ay isang kaha ay halos isang linggo ko ubusin
pilit tinitipid
halos 2 sa isang araw
ngunit ngayon ay halos maubos ang isang kaha
sa loob lamang ng kalahating araw

d pa din nagbago ang amoy
d pa din nagbago ang usok
da pa din nagbago ang lasa
pero maluwag na sa lalamunan
mabango na sa pangamoy
matamis na sa panglasa

ngayon kumawala na sa labi ko ko
sa baga ko
ang huling usok
ang gandang tingnan
kaninay makapal na usok
ngayon ay pinong nililipad na ng hangin

sindi uli ako ng isa

9.09.2005

himlayan

pag pikit ng langit
lumatag ang mumunting luha
tangay ang ngiti sa bawat labi
wari sila nama'y natutuwa

akapin ang bawat sandali
habang tayo'y andito pa
pagkat bukas makalawa
bukas nati'y maaring wala na

sa malayo paroon
walang masisilayan
hawak mong damdamin
galit at poot lamang

di masilayang ningning
sa iyong mata'y tuluyan nang naglaho
dampi ng hapis sa ati'y ligaya
manhid na katawan di na nagdudusa

kung ako'y makikita mo pa
sampu ng bulag mong mga kasama
tanganan mo ang aking palad
ika'y di ko na bibitawan

lumipas man ang di mabilang na oras
paghihirap nati'y di magwawakas
walang kamatayang parusa
sa ati'y naigawad na

wala nang luhang papatak
wala nang liwanag ang maaninag
wala nang bukas ang dadating
sa piling mo ako'y mahihimbing

8.06.2005

konting oras

7.24.2005

sa dyip

butil ng pawis
sa noo'y tumulo
sikat ng init
nanuot sa dibdib

masangsang na amoy
nakasusulasok
gumuhit sa lalamunan
pait ng kapaligiran

malapit na marating
dulo ng kahibangan
sa kanto na lamang
ako'y papara na

7.16.2005

hintayan



tilamsik ng diwa
sa bawat minuto na lumipas
sa bawat ulang tumila
di mo na makikita

pag-inog ng mga kulay
matamlay na kalawakan
kulay dugong langit
halik ng dapit hapon

aandap andap na liwanag
mula sa kandilang lumuluha
lampas na ang ihip ng hangin
ika'y iniintay pa rin



i, myself and me